Wednesday, February 1, 2012

Ang Karanasan Ko Sa Pagluluto

            Ang pinakapaboritong  kong parte sa bahay aya ng kusina sapagkat mahilig akong magluto. Ang pagluluto ang isa sa mga kakayahan ko. Bata pa lamang ako ay minamasdan ko ang aking ina hbang nagluluto siya ng bibingka. Masarap magluto ng bibingka si mama lalo na kung mainit pa. Ito ang motivation ko kung kaya gusto kong sundan ang yapak ng aking ina.
            Kapag umaga , maaga akong gumigising dahil gusto ko na ako ang magluluto ng ulam naming ng kapatid ko sa umaga. Nagsimula ko sa karaniwang pagluluto ng ng pritong itlog at talong tapos ginigisa ko ang tiring kanin. Mahirap magluto lalo na kung paano ang pagkuha ng tamang timpla pero masarap sa pakiramdam kapag may pumupuri sa iyong nagawa. Kagaya na lmang ng aking lolo na masarap ring magluto. Siya ng karaniwang kinukuha kapag may salu-salu, kasalan, binyag o fiesta para magluto. Siya ang iniidolo ko pagdating sa kusina. Lagi niya kasing pinupuri ang mga niluluto ko kahit na alam kong minsan ay sablay ako sa pagtitimpla.
            Para subukin ang aking kakayahan sa pagluluto, pinili kong pag-aralan ang “commercial cooking” na asignatura sa hayskul. Masayang-masaya ako noon dahil alam ko  na magiging bihasa na ko sa pagluluto pagdating ng araw. Apat na taon kong pinag-aralan ang asignaturang iyon. Sa unang taon hindi pa kami pinagluto dahil nakatuon ang aming guro sa pagtuturo ng mga bagay-bagay tungkol sa kusina. Sa ikalawang taon, sabik na sabik na talaga akong subukan na magluto para magamit ko na ng aking mga natutunan. Nagsimula kami sa pagkilala sa mga gamit sa kusina, kung ano ang tamang pangalan at kung paano ito ginagamit. Nang magluto na kami, nilalako namin sa buong paaralan at iniipon namin para pagdating ng bakasyon ay hahatiin kami. Araw-araw nagluluto kami dahil nag-aambag-ambag kami para magkaroon ng puhunan. Kapag nagluluto, iniiwanan kami ng aming guro at hinahayaan niya kami sa kusina kung kaya minsan palpak ang resulta n gaming niluluto.
            Pagtuntong ko sa ikatlong taon, nagsimula na kaming magluto ng cakes, cookies, pie at tinapay. Natuto akong magluto ng pastries at lalo na ang mga “hot dishes”. Sa katunayan, marami akong nakatagong recipes mula noong unang taon ko pa lamang sa pag-aaral. Iningatan ko lahat yon para pagdating ng araw maaari kong maluto ang mga iyon.
            Sa huling taon, maraming oportunidad ang dumating sa akin. Hindi ko inasahan na makasali sa isang  pambansang paligsahan sa pagluluto. Nagsimula iyon ng sinubok kami n gaming guro sa pagluluto ng pandesal. Dahil interesado ako , ginawa ko ang aking makakaya para makaluto ng masarap at malinamnam na pandesal. Simple lang naman pero dapat may paraan ka para kung titingnan pa lang ay masarap na. Ipaghalo-halo lang ang “liquid at dry ingredients” para makagawa ng dough mixture. Tapos I’knead ito para makuha ng tamang texture saka iwan ng may tungtong sa ibabaw nito sa loob ng isang oras. Lalaki ito ng doble sa unang sukat kaya I’knead ito ulit tapos iporma ito katulad ng isang mahabang baston. Pahiran ng “bread crumbs” tapos iwan muna. Painitin ang oven tapos balikan na ang dough para hati-hatiin. Pahirin ang natitirang bread crumbs tsaka ilagay sa “steel plate” at ipasok sa oven sa loob ng dalawampung minute. Dapat iawasang masunog.
            Hindi ko lubos akalain na mananalo ako sa mahigit dalampu’t limang katunggali. Dahil ako ang nanalo, ako ang kumatawan sa aming paaralan para sa paligsahang pandibisyon. Sa awa ng Diyos at sa tulong ng aking guro, nanalo na naman ulit ako kaya kumatawan ako para sa paligsahang panrehiyon. Masayang-masay ako dahil ang nanalo akong muli.
            Taong 2010, ng ika-10 hanggang 15 ng Nobyembre ginanap ang pambansang paligsahansan STEP doon sa Naga City. Labing anim na rehiyon mayroon ang Pilipinas at ako ang kumatawan sa rehiyon 8. Sobrang sabik at nerbyos ang aking naramdaman ng mga pahanong iyon. Mula sa iba’t ibang rehiyon ang aking mga katunggli pero may tiwala ako sa aking sarili na kakayanin ko. Nagawa ko ng maayos ang lahat at kampanti na ako kahit hindi ako ang manalo. Hindi ko nakuha ang tropeyo bilang kampyon pero ang mabigyang ng ganung pagkakataon ay higit pa sa pagkapanalo ang karangalan na aking naramdaman. Nabigyan ko ng karangalan ang aking paaralan at lalo na ang aking ina. Nag-uwi ako ng medalya na ibinigay ko sa aking ina na hanggang ngayon ay iniingatan niya. Inilaan ko ang tagumpay na iyon sa kanya dahil siya ang aking inspirasyon.
            Ang pangyayaring iyon ang bumago sa aking paniniwala. Tumaas ang kompyansa ko sa sarili at nawala ang aking pagkamahiyain. Huwag sumuko sa anumang pagsubok ang dumating. Sa halip ay magkaroon ng determinasyon, magsikap at isapuso ang ginagawa para makamit ang nais. Walang imposible sa taong nagsisikap.

Tuesday, January 24, 2012

Mga Halimbawa Gamit ang Balarilang Kung, Kong, May, Mayroon sa Pangungusap

Kung:
1.    Kung may pagkakamaling nagawa subukan mo itong itama.
2.    Ako ay manunod ng sine kung walang pasok bukas.
3.    Kung ka sisipot sa ating lakad ay magtamtampo ako..
4.    Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ng mawala ka.
5.    Kung hindi ka sinungaling hindi sana kita iniwan.

Kong:
1.    Alam kong kakayanin ko ito.
2.    Sinibak ng ama kong masipag ang kagoy sa bakuran.
3.    Ang ina kong masarap magluto aay naghanda ng pagkain para sa salu-salo.
4.    Pinutol ng boyfriend kong gutom ang puno ng saging.
5.    Alam kong may gusto siya sa akin.

May:
1.    May ibon na lumilipad sa loob ng silid-aralan.
2.    May kanya-kanyang trabaho ang aking mga kapatid.
3.    May umakyat sa puno ng niyog.
4.    May maamong mukha si Divina Gracia Lagura.
5.    May maagang seremonyas na nagaganap tuwing sabado.
Mayroon:
1.    Mayroon kaming pasok sa opisina tuwing lingo.
2.    Ang aking kapatid ay talagang mayroon kaya nangunguna siya sa klase.
3.    Ang pamilyang Rodriguez ay mayroon kaya sikat ang kanilang angkan sa aming lunsod.
4.    Mayroon ba akong pag-asa sa iyo?
5.    Mayroon kaming lakad mamayang hating-gabi sa Deca.

Mga Halimbawa ng Salitang "Ng" sa Pangungusap

Monday, January 23, 2012

Mga Halimbawa ng Salitang 'Nang' sa Pangungusap

PANGATNIG:

1.    Nagsigawan ang lahat nang may sunog.
2.    Nang tumikom ang dilim ako ay nagmamadaling umalis.
3.    Nang maubos ang paninda masayang-masaya si Lucy.
4.    Nagmamadaling umalis si Patrick nang may tumawag.
5.    Lumusong sam tubig si Anna nang makaramdam ng init.

INUULIT:   
                                                 
1.    Ang kapitbahay ni Christian ay sigaw nang sigaw sa kanyang bakuran.
2.    Ang bata na inaalagaan ni  Lanilyn ay lakad nang lakad sa kalye.
3.    Ang mga batang-kalye ay tulak nang tulak sa karetong puno ng gamit.
4.    Kahol nang kahol ang aso sa tapat ng bahay ko.
5.    Langoy nang langoy ang dalagitang naliligo sa malalim na ilog.

PANDIWANG PANURING:

Pang-abay:   Si Nely ay gumapang nang dahan-dahan.
Pangngalan: Si Arnold ay kumakain nang kamias.
Pandiwa:       Tumakbo nang mabilis ang aso.
Pang-uri:        Kinausap nang mahinahon ni Arnold ang kapatid.
Panghalip:     Si Divina ay umiyak nang siya ay nadapa.

Sunday, December 11, 2011

♥♥Pag-ibig♥♥

            Pag-ibig... Ito ay damadaming kakaiba na maaaring isa sa pinaka-nakapagtataka sa buong mundo. Saklaw nito ang lahat ng aspeto sa buhay. Maaari na pagmamahal sa pamilya at kaibigan, mag-asawa, at magkasintahan. Ito ay nararamdaman mula sa mga bagay na nagbibigay ligaya katulad na lamang ng naibigang pag-kain, damit, pelikula, teleserye, laro at iba pa. Kaugnay nito ang emosyon sapagkat maaari na ikaw ay maligaya, nasasaktan, balisa o nalulungkot. Samakatuwid ang pag-ibig ay tumutukoy sa interpersonal na pagmamahal.



      Bakit tayo umiibig? Bakit nararamdaman natin ang bagay na ito? Ito ay kusa nating nararamdaman. Kusa itong tumitibok para sa mga bagay o tao na ating nagugustuhan. Batid natin na walang tiyak na paliwanag bakit tayo nakaramdam nito. Pero ito ang tiyak, isa itong regalo na pinagkaloob ng Maykapal. Gayunpaman, nabuo tayo dahil sa pagmamahalan ng ating mga magulang. Sa madaling sabi, pag-ibig ang bumuo sa atin kaya likas na sa atin ang makaramdam ng pagmamahal.

          Isa sa mga dahilan na nagmamahal tayo ay dahil marami rin ang nagmamahal sa atin. Unang-una, sa espiritwal na aspeto, ang Poong Maykapal na ating sinasamba ang nagbibigay ng pagmamahal na humuhubog sa ating pagkatao. Pangalawa, ang ating pamilya na nagmamahal sa atin unconditionally. Talikuran man tayo ng lahat, pamilya natin ang laging nariyan upang dumamay. Pangatlo, ang ating  mga kaibigan na siyang umaagapay ay karamay sa mga panahong nangangailangan tayo ng tulong. At ang mga taong kasama at nagpapaligaya sa atin katulad ng ating kapitbahay, kaklase, guro at kasintahan.
          Paano ba ang umibig? Sa katunayan walang tiyak na gabay kung paano magmahal. Hindi rin maaaring diktahan ang isang tao upang ibigin ang sinumang hindi niya gusto. Kusa itong nararamdaman at kusa ring yumayabong. Maaari kang magpalimos ng pag-ibig, ngunit hindi mo saklaw ang kakayahan ng iba upang ibigin ka. Minsan, umaaabot sa punto na ang pag-ibig ay labis na sa ating inakala kaya madalas ang dulot nito ay ang pagkawala ng dangal o respeto sa sarili. Hindi maaaring kontrolin ang puso ngunit  kung sa palagay mo ay hindi na tama, sarili mo lamang ang nakakaalam kung paano at kailan hihinto.
         Napakahalaga ng papel na ginampanan ng pag-ibig sa  atin. Ang pagmamahal sa sarili ang tumutulak para gumawa ng mga bagay na ikabubuti para sa sariling kapakanan. Ngunit kinakailangang sapat lamang ito dahil kapag labis na ay maaaring magdulot ng masama. Ang pag-ibig sa pamilya naman ang gabay upang gumawa ng mga bagay na nagpapaligaya sa kanila. Iniiwasan natin na malungkot at mapahiya sila sa halip ginagawa  natin lahat para maipagmalaki nila. Pagmamahal rin sa bayan ang tumutulak sa mga bayani para ipagtanggol ang sariling lahi. Ibinuwis ang sariling buhay para sa bayan. At higit sa lahat ang pagmamahal ng  Diyos sa atin, binuwis niya ng saring  anak para sa kasalanan ng sangkataohan.
       Layunin nito na magkaroon ng pagkakaisa, kapayapaan, kaligayahan, pakikipagkapwa-tao, pagtutulungan, at higit sa lahat, pagmamahalan sa bawat isa. Kaakibat nito ang respeto, pag-unawa at pagpapakumbaba na siyang  nagpapatibay ng pundasyon sa samahan lahat.