Ang pinakapaboritong kong parte sa bahay aya ng kusina sapagkat mahilig akong magluto. Ang pagluluto ang isa sa mga kakayahan ko. Bata pa lamang ako ay minamasdan ko ang aking ina hbang nagluluto siya ng bibingka. Masarap magluto ng bibingka si mama lalo na kung mainit pa. Ito ang motivation ko kung kaya gusto kong sundan ang yapak ng aking ina.
Kapag umaga , maaga akong gumigising dahil gusto ko na ako ang magluluto ng ulam naming ng kapatid ko sa umaga. Nagsimula ko sa karaniwang pagluluto ng ng pritong itlog at talong tapos ginigisa ko ang tiring kanin. Mahirap magluto lalo na kung paano ang pagkuha ng tamang timpla pero masarap sa pakiramdam kapag may pumupuri sa iyong nagawa. Kagaya na lmang ng aking lolo na masarap ring magluto. Siya ng karaniwang kinukuha kapag may salu-salu, kasalan, binyag o fiesta para magluto. Siya ang iniidolo ko pagdating sa kusina. Lagi niya kasing pinupuri ang mga niluluto ko kahit na alam kong minsan ay sablay ako sa pagtitimpla.
Para subukin ang aking kakayahan sa pagluluto, pinili kong pag-aralan ang “commercial cooking” na asignatura sa hayskul. Masayang-masaya ako noon dahil alam ko na magiging bihasa na ko sa pagluluto pagdating ng araw. Apat na taon kong pinag-aralan ang asignaturang iyon. Sa unang taon hindi pa kami pinagluto dahil nakatuon ang aming guro sa pagtuturo ng mga bagay-bagay tungkol sa kusina. Sa ikalawang taon, sabik na sabik na talaga akong subukan na magluto para magamit ko na ng aking mga natutunan. Nagsimula kami sa pagkilala sa mga gamit sa kusina, kung ano ang tamang pangalan at kung paano ito ginagamit. Nang magluto na kami, nilalako namin sa buong paaralan at iniipon namin para pagdating ng bakasyon ay hahatiin kami. Araw-araw nagluluto kami dahil nag-aambag-ambag kami para magkaroon ng puhunan. Kapag nagluluto, iniiwanan kami ng aming guro at hinahayaan niya kami sa kusina kung kaya minsan palpak ang resulta n gaming niluluto.
Pagtuntong ko sa ikatlong taon, nagsimula na kaming magluto ng cakes, cookies, pie at tinapay. Natuto akong magluto ng pastries at lalo na ang mga “hot dishes”. Sa katunayan, marami akong nakatagong recipes mula noong unang taon ko pa lamang sa pag-aaral. Iningatan ko lahat yon para pagdating ng araw maaari kong maluto ang mga iyon.
Sa huling taon, maraming oportunidad ang dumating sa akin. Hindi ko inasahan na makasali sa isang pambansang paligsahan sa pagluluto. Nagsimula iyon ng sinubok kami n gaming guro sa pagluluto ng pandesal. Dahil interesado ako , ginawa ko ang aking makakaya para makaluto ng masarap at malinamnam na pandesal. Simple lang naman pero dapat may paraan ka para kung titingnan pa lang ay masarap na. Ipaghalo-halo lang ang “liquid at dry ingredients” para makagawa ng dough mixture. Tapos I’knead ito para makuha ng tamang texture saka iwan ng may tungtong sa ibabaw nito sa loob ng isang oras. Lalaki ito ng doble sa unang sukat kaya I’knead ito ulit tapos iporma ito katulad ng isang mahabang baston. Pahiran ng “bread crumbs” tapos iwan muna. Painitin ang oven tapos balikan na ang dough para hati-hatiin. Pahirin ang natitirang bread crumbs tsaka ilagay sa “steel plate” at ipasok sa oven sa loob ng dalawampung minute. Dapat iawasang masunog.
Hindi ko lubos akalain na mananalo ako sa mahigit dalampu’t limang katunggali. Dahil ako ang nanalo, ako ang kumatawan sa aming paaralan para sa paligsahang pandibisyon. Sa awa ng Diyos at sa tulong ng aking guro, nanalo na naman ulit ako kaya kumatawan ako para sa paligsahang panrehiyon. Masayang-masay ako dahil ang nanalo akong muli.
Taong 2010, ng ika-10 hanggang 15 ng Nobyembre ginanap ang pambansang paligsahansan STEP doon sa Naga City. Labing anim na rehiyon mayroon ang Pilipinas at ako ang kumatawan sa rehiyon 8. Sobrang sabik at nerbyos ang aking naramdaman ng mga pahanong iyon. Mula sa iba’t ibang rehiyon ang aking mga katunggli pero may tiwala ako sa aking sarili na kakayanin ko. Nagawa ko ng maayos ang lahat at kampanti na ako kahit hindi ako ang manalo. Hindi ko nakuha ang tropeyo bilang kampyon pero ang mabigyang ng ganung pagkakataon ay higit pa sa pagkapanalo ang karangalan na aking naramdaman. Nabigyan ko ng karangalan ang aking paaralan at lalo na ang aking ina. Nag-uwi ako ng medalya na ibinigay ko sa aking ina na hanggang ngayon ay iniingatan niya. Inilaan ko ang tagumpay na iyon sa kanya dahil siya ang aking inspirasyon.
Ang pangyayaring iyon ang bumago sa aking paniniwala. Tumaas ang kompyansa ko sa sarili at nawala ang aking pagkamahiyain. Huwag sumuko sa anumang pagsubok ang dumating. Sa halip ay magkaroon ng determinasyon, magsikap at isapuso ang ginagawa para makamit ang nais. Walang imposible sa taong nagsisikap.