Tuesday, January 24, 2012

Mga Halimbawa ng Salitang "Ng" sa Pangungusap

Tuwirang Layon ng Pandiwang Palipat
1.    Pinagluto ng spaghetti ang mga bisita.
2.    Sumakay ng bisikleta ang matanda.
3.    Nagwalis ng sahig ang bunso.
4.    Nagtimba ng tubig si Nene.
5.    Nagbasa ng aklat ang mga mag-aaral.

Pananda sa Aktor sa Tinig Balintiyak
1.    Sinundo ng anak ang ina sa palengke.
2.    Dinalaw ng kapitbahay ang maysakit.
3.    Binigkas ng mag-aaral ang Panatang Makabayan.
4.    Pinayuhan ng mga magulang ang mga anak.
5.    Kinumpuni ng guro ang silid-aralan.

Pagmamay-ari ng Isang Bagay
1.    Ang pugad ng ibon ay nahulog sa puno.
2.    Ang akalatan ng Unibersidad ng Timog-Silangang Pilipinas ay may maraming aklat.
3.    Ang pantantakip ng kaserola ay kulay itim.
4.    Nalaglag sa lupa ang bunga ng punong mangga.

5.    Nilipad ng hangin ang yero ng bubong.


1 comment:

  1. No merit casino | Play with Bitcoins at the Best NetEnt Casinos
    Discover the best NetEnt casino games, and sign up today for a massive welcome bonus package with NetEnt's welcome bonus, where you can play your favorite 메리트카지노 가입쿠폰

    ReplyDelete